Makati City Govt., nagpalabas ng apprehension notice laban sa dalawang Chinese Resto

Nagpalabas ng apprehension notice ang Makati Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa dalawang Chinese food establishments sa Lungsod.

Ayon kay Atty. Maribert Pagente, pinuno ng Makati BPLO, ang dalawang establisyimento na Chinese Kitchen at Qizixianglaxie Food, Inc. sa Brgy. Palanan ay kapwa nag-ooperate ng walang business permit.

Nagsagawa ng inspeksyon kamakailan ang mga tauhan ng BPLO sa dalawang restaurant at natuklasang walang permit mula sa City Hall ang operasyon nito.

Binigyan na ng tatlong araw ang may-ari ng dalawang establisyimento para humarao sa BPLO.

Noong nakaraang buwan, ipinasara ng BPLO ng Makati ang Chinese food establishment na 6789 CWC Kitchenette dahil sa paglabag sa sanitation standards at pag-ooperate din ng walang permit.

Read more...