4 arestado sa buy-bust sa Valenzuela

Arestado ang apat na drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Valenzuela City.

Isinagawa ng mga tauhan ng Valenzuela City Station Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon sa Santiago St., Kaliwa, Brgy. Gen. T. De Leon.
Valenzuela City.

Kinilala ang mga suspek na sina Erick John Sanchez, 30 anyos; Jessielyn Manzano, 32 anyos; Jireh De Guzman, 24 anyos; Joseph Sanchez, Jr., 25 anyos at Michael Agripa, 32 anyos.

Pawang residente ng Brgy. Gen. T. De Leon ang mga suspek habang si Agripa ay residente ng Dagat-dagatan, Caloocan, City.

Ayon kay Police Captain Segundino Bulan, Jr, hepe ng SDEU, pawang wala sa drug watchlist ang mga nadakip.

Nakuha sa kanila ang pitong plastic sachet ng hinihinalang shabu, P500 buy bust money, apat na P100 bills, at coin purse.

Read more...