Ito ay batay sa resulta ng imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., lumabas sa imbestigasyon na dahil sila ay tulog, hindi alam ng mga Pinoy ang nangyari at nalaman na lang nila ang insidente nang sila ay nasa gitna na ng dagat.
Nakasaad sa PCG investigation na dapat ay may look-out ang bangka ng mga Pilipino na Gem-Ver 1 at kailangan na mayroon ding mga ilaw para kita ito sa malayo.
Pero isa lamang umano ang ilaw ng bangka at ito ay nasa angkla at nasa ilalim ng dagat.
Dahil dito, ayon kay Locsin, ay may kasalanan din ang mga mangingisda mula sa Mindoro sa kung ano ang nangyari.
Dagdag ng kalihim, nalaman sa imbestigasyon ng Coast Guard na walang itinalagang look-out ang mga mangingisda nang sila ay matulog.
“Our investigation was finished. It was exhaustive. It does not paint our fishermen in the brightest light. It’s not that they’re wrong, (but) why didn’t have lookout? Even the enemies of the President say you need a lookout,” pahayag ni Locsin sa isang panayam.
Maliit lamang umano ang hawak na ilaw ng cook na natatanging gising sa crew kaya maaaring hindi ito sapat bilang babala sa lumapit sa bangka ng mga Pinoy.
Gayuman ay iginiit ni Locsin na walang kwestyon na inabadundan ng Chinese crew ang mga mangingisda.
Tatalakayin anya ang magkaibang resulta ng imbestigasyon sa mga otoridad ng China nang hindi na kailangan ang joint investigation.