WATCH: Total solar eclipse sa Latin America

@nuevelitoral | Instagram

Napahanga ang libu-libong katao sa Coquimbo, Chile makaraang maobserbahan ang bihirang total solar eclipse.

Ang liwanag ay biglang napalitan ng gabi matapos tapatan ng ‘umbra’ o anino ng buwan ang araw.

Tumagal ang eclipse ng halos tatlong minuto.

Kinailangan ang solar glasses para makita ng publiko ang solar eclipse dahil ang direktang pagtingin sa araw ay nakasisira ng mata.

Namataan ang total solar eclipse sa Coquimbo, Chile at ilang bahagi ng Argentina habang partial eclipse naman sa Peru, Ecuador, Paraguay, Bolivia, Uruguay at mga bahagi ng Colombia, Brazil, Venezuela at Panama.

Read more...