John Lloyd, Bea at Piolo reunited sa bagong proyekto

Muling nagkasama sa isang bagong proyekto sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at Piolo Pascual.

Ito ay para sa endorsement ng isang food franchise.

Sa kani-kanilang Instagram ay ibinahagi nina Bea at Piolo ang mga litrato nila kasama si John Lloyd bilang mga endorsers ng shawarma food cart chain na Turks.

Muling lumantad sa publiko si John Lloyd matapos magpahinga ng halos 2 taon dahil sa pagkakaroon nila ng anak ng aktres na si Ellen Adarna.

Noong October 2017 ay nag-anunsyo ng indefinite leave ang aktor sa ABS-CBN sa gitna ng relasyon nila ni Ellen.

Una rito ay nakuhanan ng litrato sina Bea at John Lloyd na magkasama sa Palawan kung saan tila gumawa sila ng eksena sa isang pelikula.

Pero hindi malinaw kung tuluyan na ang pagbabalik-showbiz ni John Lloyd kasunod ng joint endorsement sa dalawang kapwa-Kapamilya stars.

 

Read more...