Malacañang: Duterte nawalan ng kumpyansa sa presidente ng GSIS

Nawalan ng kumpyansa si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Government Service Insurance System (GSIS) president Clint Aranas.

Ito ang dahilan kung bakit tinanggap ng pangulo ang resignation ng dating GSIS chief.

Sa isang pahayag araw ng Miyerkules, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na dahil sa mga ulat at alegasyon na nagkaroon ng hindi maayos na pamumuno sa GSIS ay nawalan ng kumpyansa ang pangulo kay Aranas.

“Due to reports and allegations that there had been impropriety in the management of the GSIS leading to loss of confidence, the President has accepted Mr. Aranas’ resignation for his graceful exit from office,” ani Panelo.

Sa ngayon anya ay naghahanap na ng kapalit ang pangulo sa nabakanteng pwesto.

Ani Panelo, nais ni Duterte na matiyak na maayos na mapamamahalaan ang perang pinagpaguran ng mga manggagawa ng gobyerno at matugunan ang kapakanan ng mga GSIS members.

“The President is now looking for a worthy replacement for the vacated post who would not only safeguard the hard-earned money of government workers but would also ensure that the same would redound to the benefit of the GSIS members, bearing in mind the promotion of their welfare and interest,” dagdag ni panelo.

Pero kalaunan binawi ni panelo ang naturang pahayag. “Yes there was a mistake in the statement. The latest is validated,” ayon kay Panelo.

Nagbitiw sa pwesto si Aranas noong Lunes ngunit ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, wala itong binigay na rason sa kanyang resignation.

 

Read more...