Ayon sa Commission on Audit (COA) annual audit report on Philippine Army, nasa kabuuang P47.6 million mula sa P235 million na tulong sa Army personnel ang nananatiling hindi nagagamit hanggang December 2018.
“Verification of the cash donations so far showed that the Army had not crafted specific guidelines for the receipt and utilization and liquidation of donations, especially for those intended for the wounded Army personnel,” ayon sa COA report.
Samantala ayon sa COA, nasa P147 million ang donasyon para sa financial assistance sa mga legal beneficiaries ng killed-in-action na tauhan ng Army.
Mula sa naturang halaga, P128.5 million ang nagamit na.
Nagamit na rin ang P40.122 million sa biyahe ng mga babaeng Army personnel sa Hong Kong para sa observation tour ukol sa kaligtasan at seguridad.
Pero batay sa audit sa disbursement vouchers at mga dokumentong pang-suporta sa naturang utilization, lumampas ang Army ng P9.98 million na tulong pinansyal sa 118 na certified killed in action beneficiaries.
Inatasan ng COA ang Army na ipaliwanag ang overpayment sa mga pamilya ng mga napatay sa Marawi.
Sa kanilang panig, sinabi ni Army spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala na gumagawa pa sila ng sagot sa COA report.