Nagsimulang maiulat ang problema sa tatlong social media platforms Miyerkules ng gabi (July 3).
Sa Twitter, trending worldwide ang hashtags na #whatsappdown, #instagramdown, at #facebookdown.
Batay sa datos ng site monitoring platform na DownDetector.com, nagkakaproblema ang pag-access sa Facebook at Instagram sa Amerika, ilang bansa sa Europe at maging sa Pilipinas.
Ilan sa mga netizens ang nagrereklamong hindi lumalabas ang pictures at videos sa kanilang news feed.
Naglabas na ng pahayag ang Facebook pasado alas-12:00 ngayong madaling araw at sinabing sinosolusyonan na ang problema.
“We’re aware that some people are having trouble uploading or sending images, videos and other files on our apps. We’re sorry for the trouble and are working to get things back to normal as quickly as possible,” ayon sa Facebook.
We’re aware that some people are having trouble uploading or sending images, videos and other files on our apps. We’re sorry for the trouble and are working to get things back to normal as quickly as possible. #facebookdown
— Facebook (@facebook) July 3, 2019