TNVS drivers nagtakda ng ‘transport holiday’ sa July 8

Ilang transport network vehicle services (TNVS) drivers sa buong bansa ang magsasagawa ng “transport holiday” sa Lunes July 8.

Sa naturang transport holiday, pansamantalang ititigil ng mga TNVS drivers ang kanilang operasyon at magiging offline ang mga ito mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.

Ayon sa TNVS groups at labor group na Defend Job Philippines, ang transport holiday ay bilang protesta laban sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa anila ay pahirap na mga polisiya kabilang ang umanoy “inconsistencies” sa pagproseso ng mga registration at application para sa TNVS.

Tinututulan din ng grupo ang anila ay kumplikadong requirements, mabagal na processing at releasing ng provisional authority (PA) at Certificate of Public Convenience (CPC).

Mayroong press briefing ang grupo araw ng Huwebes para sa iba pang detalye ng transport holiday.

 

Read more...