Dating preso balik-kulungan matapos ang buy bust sa Bacolod City

Credit: Bacolod City Police

Muling inaresto ang isang dating preso matapos ang buy bust operation sa Purok Lubi, Barangay 3, Bacolod City.

Apat na buwan pa lang nakakalaya ang 43 anyos na suspek na dati nang nakulong dahil sa droga.

Kasong may kinalaman din sa droga ang dahilan ng muling pag-aresto sa suspek.

Nakuha sa suspek ang 21 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P380,000.

Ayon sa pulisya, nasa drugs watchlist ang dating preso.

 

Read more...