4 na umanoy miyembro ng land-grabbing syndicate arestado sa Caloocan

Timbog ang apat na hinihinalang miyembro ng land-grabbing syndicate sa North Caloocan, Caloocan City.

Nakilala ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga suspek na sina Annaliza Mendez, 40-anyos; Mary Grace Madrideo, 30-anyos; Roberto Mazarate, 55-anyos at Giovanni Ignacio, 35-anyos.

Ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng CIDG Anti-Fraud and Commercial Crime unit sa bahagi ng Zapote Street, Maligaya Park sa North Caloocan.

Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang Noel Pagtakhan dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga suspek sa pagbebenta ng mga ari-arian.

Nagpanggap pa umano ang mga suspek na sila ang may-ari ng mga ari-arian.

Sinabi rin ng nagreklamo na nag-ooperate ang mga suspek sa Camarin.

Dinala naman ang mga suspek sa tanggapan ng CIDG para sa documentation.

Maghahain ng kasong estafa laban sa apat na suspek.

 

Read more...