Pulis patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Quezon City

Screengrab of CCTV footage

Patay ang isang pulis matapos ito pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng isang gasolinahan sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Police Major Sergeant Edgar Dulay Morada na nakatalaga sa Police Station 2 ng Manila Police District (MPD).

Base sa kuha ng CCTV, nakahinto si Morada sa harap ng isang gasoline station sa may kahabaan ng Valencia Street, Barangay Valencia, Lungsod ng Quezon alas-12:55 ng tanghali ng Miyerkules nang biglang may dumating na dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Ayon sa Quezon City Police, agad na ikinamatay ng biktima ang mga tama ng bala na tinamo nito.

Patuloy na inaalama ang pagkakilanlan ng mga suspek at motibo ng pamamaril sa pulis.

Read more...