NCRPO: 700 pulis nasibak sa internal cleansing ng PNP

Inquirer file photo

Umabot sa mahigit-kumulang 700 pulis sa Metro Manila ang nasibak habang 1,000 ang nasuspinde mula taong 2016, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ito ay bahagi ng internal cleansing sa kaniyang hanay.

Sa tala ng NCRPO, nasa kabuuang 177 na pulis ang nasibak, 1,378 ang nasuspinde, 190 ang na-demote habang 398 ang na-exonerate sa unang tatlong taon ng administrasyong Duterte.

Ayon kay NCRPO chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, maituturing itong ‘most opportune time’ para magsagawa ng internal cleansing.

Giit ng opisyal, ito ay dahil nadoble na aniya ang sahod ng mga pulis at sundalo.

Tiniyak rin ng opisyal ng NCRPO na tuloy ang paglilinis sa kanilang hanay laban sa mga pulis na sangkot sa iba’t ibang mga kaso at katiwalian.

Read more...