MILF commander nahulihan ng shabu sa Antipolo City

Inquirer file photo

Arestado ang isang hinihinalang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Antipolo City kahapon, July 2.

Nakilala ang suspek na si Jamel Borar na nakuhanan ng MILF ID at di umano’y brigade commander ng 119th base command ng NEMF-BIAF na nakabase sa Dilabayan Bubong, Lanao del Sur.

Si Borar ay wanted din sa kasong pananambang sa mga opisyal ng PDEA sa Lanao del Sur.

Timbog din ang tulak ng droga na si Princess Lumpa alyas “Ida Muslim”.

Narekober naman sa mga suspek ang isang sachet ng shahu na dapat handa nang ibenta, siyam na medium size sachets na nagkakahalaga ng P375,000 at ang buy-bust money.

Nahuli ang wanted na si Borar sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Lanao Del Sur Regional Trial Court Branch 12 sa Marawi City.

Read more...