Verbal agreement nina Duterte at Xi Jinping walang bisa ayon kay Nograles

Inquirer file photo

“Kasunduan na dapat na pagkasunduan”.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Cabinet Secretary Carlo Nograles kaugnay sa naging verbal agreement nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na hayaan ang China na makapangisda sa exclusive economic zone ng Pilipinas sa Pest Philippine Sea.

Ayon kay Nograles, hindi national policy ang kasunduan ng dalawang lider.

Ipinaliwanag rin ng opisyal na hindi legally binding ang naturang kasunduan hangga’t walang kasulatan at walang nailalatag na terms and conditions,

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maituturing na legally binding at national policy na ng Pilipinas ang kasunduan nina Pangulong Duterte at Xi na makapangisda ang mga Chinese sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

Ayon kay Panelo, naselyuhan ang verbal agreement nina Pangulong Duterte at Xi nang magkaroon ng bilateral meeting ang dalawa sa Beijing noong 2016.

 

Read more...