14 na Russian seamen patay nang masunog ang isang deepwater research submersible

Patay ang nasa 14 na seamen nang masunog ang isang deepwater research submersible sa hilagang bahagi ng Russia.

Kabilang sa nasawi ang 7 Captain First Rank na itinuturing na pinaka-mataas na opisyal ng Russian Navy kung saan dalawa sa mga ito ay ginawaran na ng parangal bilang Hero of Russia.

Agad namang ipinag-utos ni President Vladimir Putin ang masusing imbestigasyon sa pangyayari.

Ang nasabing sea vessel ay nagsasagawa ng bathymetric measurements sa ilalim ng karagatan nang mangyari ring trahedya.

Ang deep sea submersible ay dinala na sa military base sa Severomorsk sa Kola Peninsula para sa kaukulang imbestigasyon.

Read more...