Magsisimula na sa July 11 ang tv program na Digong hotline 8888… ito ang hotline number na una nang inilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte para magsumbong ang taong bayan sa katiwalian sa gobyerno.
I-ere ang naturang programa sa PTV 4 at mga affiliate tv stations kada huwebes ng alas dos hanggang alas tres ng hapon
kung saan magsisilbing host sina Chief Presidential Legal Counsel And Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Assistant Secretary Kris Roman ng Office of the Chief Presidential Legal Counsel and PTV news anchor Trixie Jaafar.
Plano rin ng programa na magkaroon ng special episode kung saan personal na sasagutin ni Pangulong Duterte ang mga tawag sa hotline 8888.
Kasabay ding ilulunsad ang Presidential Complaint Center
Layunin ng programa na mailapit sa taong bayan ang serbisyo ng pamahalaan at matugunan ang reklamo ng taong bayan lalo na sa isyu ng korupsyon.
Ang hotline 8888 ay pinangangasiwaan ng Office of the Executive Secretary, kung saan nag ooperate ito ng 24 hours, 7 days a week
Samantala ang Presidential Complaint Center ay ang frontline ng Office of the President na magsisilbing liaison unit sa iba’t ibang departamento para maayos na maiproseso ang mga request for assistance at iba pa.
Ang headquarters nito ay nasa Bahay Ugnayan sa Malacañang.