Avengers: Endgame bigong mahigitan ang record ng Avatar bilang Highest Grossing Film

Hindi natinag ng Avengers:Endgame ang record ng pelikulang Avatar bilang highest grossing movie of all time.

Sa muling pagpapalabas ng pelikula kumita lamang ito ng $5.5 milyon sa U.S. Box office at nasa $2.3 milyon naman sa worldwide box office.

Sa kabuuan ay nasa $2.761 bilyon ang buong kita ng Avengers:Endgame na halos $27-milyon lang ang agwat sa record ng Avatar na $2.788 bilyon noong 2009.

Layon sana ng re-release ng Endgame na mapantayan kung hindi man mahigitan ang Avatar bilang highest grossing film of all time.

Read more...