Suporta ng mga kongresista makukuha ni Rep. Paolo Duterte kung tutuloy sa pagtakbong house speaker

RTVM FILE
Naniniwala si Albay Rep. Joey Salceda na makukuha ni presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte ang buong suporta ng Kamara kung tutuloy ito sa pagtakbo bilang house speaker.

Ayon kay Salceda, tiyak nang may 300 boto agad ang nakababatang Duterte kung tutuloy ito sa speakership race.

Sinabi nito na siguradong wala ng term sharing na magaganap dahil aatras na ang ibang mga nagnanais maging house speaker.

Gayunman, si Pangulong Duterte naman anyan ang may “say” sa kung sino ang gusto niyang maging lider ng Kamara sa huling tatlong taon nito sa termino.

Matatandaan na matagal nang tumanggi sa Speakership post ang nakababatang Duterte at nagbanta na rin ang kanyang ama na magbibitiw na Pangulo ng bansa pero dahil sa pagpipilit na rin ni Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano sa “term-sharing” ay posibleng tumakbo na siyang Speaker ng Kamara.

Read more...