KTV bar nasunog sa Cebu City

Tinupok ng apoy ang isang karaoke bar sa Dionisio Jakosalem Street sa Cebu City, Miyerules (July 3) ng umaga.

Ayon kay Senior Fire Officer Rafael Basabe, alas 2:22 ng madaling araw nagsimula ang sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Sa inisyal na imbestigasyon ay sa kusina na katabi ng KTV bar nagsimula ang apoy.

Pag-aari ng isang Caridad Tumangan ang KTV bar pero nirerentahan lang umano niya ang lugar mula sa isang Rosita Lopez.

Tinatayang aabot sa P120,000 ang halaga ng natupok na ari-arian.

Alas 3:38 naman nang madaling araw nang ideklarang fire out na ang sunog.

Read more...