Tren ng MRT-3 nagka-aberya; mahigit 800 pasahero ang pinababa

Nagka-aberya ang isang tren ng MRT-3 sa northbound lane ng Shaw Boulevard station.

Ayon sa abiso ng MRT-3, alas 6:30 ng umaga ng Miyerkules (July 3) nang magkaroon ng ‘door failure’ ang isa nilang tren.

Dahil dito pinababa ang nasa 850 na mga pasahero ng naturang tren sa Shaw station.

Makalipas ang dalawang minuto ay napasakay naman sa kasunod na tren ang mga pasahero.

Patuloy ang paalala ng MRT-3 sa mga pasahero na huwag sasandalan ang pintuan ng tren at huwag itong pupwersahing buksan.

Read more...