Sinabi ni Guevarra na sa kanyang paniwala, hindi ito isang kasunduan gaya ng mga pinapasok na bilateral agreement ng Pilipinas sa pamahalaang China o sa iba pang mga bansa.
Kumbinsido ang kalihim na ang sinasabing verbal agreement sa pagitan nina Pangulong Duterte at President Xi ay isang mutual understanding sa pagitan ng mga ito.
Aminado ang kalihim na kasama ang isyung ito sa mga napag usapan nila kagabi sa cabinet meeting bagamat hindi anya pormal na nakasama sa kanilang agenda.
Ipinauubaya na ng kalihim sa Pangulo ang pagsasara sa isyung ito sa mga darating na panahon.
Samantala, hindi naman nakasama na sa agenda kagabi ang pagtanggi ng China sa isang third party investigator sa nangyaring pagbangga ng Chinese vessel sa VF GemVer sa Recto Bank.
Gayunman, sinabi ni Sec. Guevarra na hindi naman maaring obligahin ng Pamahalaan ang China na magkaroon ng isang third party investigator kung ayaw nito.