4 patay sa magkakahiwalay na operasyon kontral ilegal na droga sa Laguna

Apat ang patay sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Laguna.

Ayon kay Laguna Police Provincial Director, Police Col. Eleazar Mata, isinagawa ang operasyon sa nakalipas na magdamag sa iba’t ibang lungsod sa Laguna.

Sa Purok 7, PNR Site, Barangay Nueva, San Pedro City nasawi ang isang lalaking tulalk ng droga makaraang manlaban sa mga otoridad.

Nakuha sa kaniya ang isang kalibre 45 na baril.

Sa Camella Homes sa Cabuyao City naman, napatay din ang suspek na si Roberto Patricio Jr., makaraang manlaban sa mga pulis na nagkasa ng buy-bust.

Armado naman ng kalibre 38 baril ang suspek.

Sa Barangay Bucal, Calamba City naman, dalawa drug suspek din ang patay.

Aarestuhin ang dalawa pero kapwa bumunot ng baril ang mga ito dahilan para paputukan sila ng mga pulis.

Nakuha sa kanila ang isang kalibre 38 at kalibre 45 na baril.

Read more...