1 patay, 2 arestado sa magkahiwalay na buy-bust sa San Jose city, Nueva Ecija

Patay ang isang lalaking suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Malasin, San Jose City, Nueva Ecija.

Ayon sa mga otoridad, sa halip na sumuko ay nagpaputok ang suspek na si alyas Buboy dahilan para paputukan din siya ng mga pulis.

Nakatakas naman ang isang kasama niyang lalaki sakay ng wala ng plakang motorsiklo.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 38 na baril at 5 basyo ng kalibre 9mm na baril.

Samantala, sa Barangay Rafael Rueda, naaresto naman ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation.

Kinilala ang mga nadakip na sina Leomar Tandaan, 21 anyos at Nelson Acain, 36 anyos.

Positibong nakabili ng P500 halaga ng marijuana ang police posuer buyer laban sa mga suspek.

Read more...