Huling namataan ang LPA sa layong 730 kilometers east ng General Santos City.
Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, maliit naman ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA.
Gayunman, ang extension nito ay magpapaulan na sa buong Mindanao at sa eastern Visayas.
Habagat naman ang magpapaulan sa Bataan, Zambales at Palawan. Habang sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay magiging maliwalas ang panahon na mayroon lamang isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.
Samantala, isang bagyo naman ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Nasa kanlurang bahagi ng bansa ang bagyo na mayroong international name na Tropical Storm Mun.
Sa ngayon ay nasa bisinidad ng Hainan, China ang bagyo at wala namang epekto sa bansa.