LOOK: Memes ni Dimples Romana aka ‘Daniela Mondragon’ viral sa social media

Courtesy of Percy Sledge Agbunag Carballo

Mainit at pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang kwelang mga memes tungkol sa karakter ni Dimples Romana sa Kapamilya teleserye na ‘Kadenang Ginto’.

Ito ay matapos ilabas ang trailer ng Season 3 ng nasabing serye kung saan makikita si Daniela Mondragon, ang karakter ni Dimples na suot ang isang red dress, may dalang bahage at naglalakad sa kalsada.

Representasyon ito ng pagbaliktad ng mundo ni Daniela matapos ang mga ginawang kasamaan laban kay Romina, na karakter naman ni Beauty Gonzales.

Ang naturang trailer ay trending sa YouTube at mayroon nang halos 3.2 million views.

Hindi pinalampas ng mga Pinoy ang nasabing trailer at ginawan ng memes si Daniela na tila halos nalibot na nito ang buong Pilipinas.

Ilan sa mga memes ay dinala ang karakter sa mga lalawigan; sa ilang mga okasyon tulad ng pista at prusisyon; at kalamidad tulad ng pagbaha.

Hindi naman ‘offended’ si Dimples sa mga memes at para sa kanya ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng fans.

Hinahangaan ang aktres sa husay sa pagganap mula sa kanyang karakter bilang ‘Amanda’ sa ‘The Greatest Love’, ‘Babaylan’ sa ‘Bagani’ at ngayon bilang si ‘Daniela Mondragon’ sa Kadenang Ginto.

Sa kanyang Instagram post, ipinahayag ni Dimples ang lubos na kasiyahan sa pagmamahal ng fans at hinimok ang mga ito na ipagpatuloy ang pagkakalat ng kasiyahan.






Read more...