Ayon sa Novaliches police, nakilala ang mga suspek na sina Arnold Ferrer, 30-anyos, Ryan Magistrado, 35-anyos, Benjie Perion, 38-anyos at Cindy Lou Salangsang, 34-anyos.
Nakuha sa apat ang tatlong gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,400, tatlong cellphone at isang P1,000 marked money.
Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Novaliches Police, Quezon City Police District Station Drug Enforcement Unit (QCPD_DSDE) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Mahaharap ang apat na suspek sa kasong paglabag ng Republic Act of 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.