Asawa ng babaeng sinaksak ng 100 beses sa Parañaque, kinasuhan na

Kinasuhan na ang asawa ng babaeng sinaksak ng hindi bababa sa 100 beses sa Parañaque City, araw ng Martes.

Ayon kay Maj. Fernando Carlos, hepe ng Parañaque Police Investigation Branch, naghain ng kasong parricide ang kapatid ng biktima laban sa mister ng biktima na si Noel Torres.

Naganap ang insidente noong nakaraang buwan.

Unang sinabi ng suspek sa pulisya na pinasok ng mga magnanakaw ang kanilang bahay at dito umano pinatay ang kanyang asawa.

Read more...