Pagbibitiw ni GSIS president Aranas hindi pa tinatanggap ni Pangulong Duterte

Nakarating na ng Palasyo ng Malakanyang ang kopya ng resignation letter ni Government Service Insurance System (GSIS) President at General Manager Jesus Clint Aranas.

Pero ayon kay Executive secretary Salvador Medialdea, hindi pa tinatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Aranas.

Sa liham ni Aranas sinabi nitong sinunod niya ang batas at hindi isinuko ang kanyang integridad.

Wala namang ibinigay na rason ang Malakanyang sa pagbibitiw ni Aranas.

Read more...