Senior Associate Justice Antonio Carpio, nag-inhibit sa kaso sa West Philippine Sea

Nag-inhibit si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa kaso sa West Philippine Sea.

Ito ay ukol sa inihaing writ of kalikasan na humihirit sa gobyerno para bigyang proteksyon at ibalik ang marine environment sa Panatag Shoal, Ayungin Shoal at Panganiban Reef.

Sa isang text message, sinabi ni Carpio na walang compulsory ground para sa kanyang pag-inhibit.

Boluntaryo aniya siyang nag-inhibit para sa ikapapanatag ng isipan ni Solicitor General Jose Calida.

Nais ni Calida na lumayo si Carpio sa kaso dahil sa kanyang ‘personal bias’ at ‘manifest partiality.’

Read more...