Batikang direktor na si Brillante Mendoza nanalo ng Special Jury Prize sa Film Festival sa Romania

IG Post

Nasungkit ng batikang direktor na si Brillante Mendoza ang Special Jury Prize sa Bucharest International Film Festival (BIFF) sa Romania.

Nag-post si Mendoza ng Instagram story para magpasalamat sa nakuhang parangal ng kanyang 2018 film na “Alpha: The Right to Kill.”

Ang “Alpha: The Right to Kill” ay pinagbidahan nina Allen Dizon at Baron Geisler.

Binati rin ng BIFF si Mendoza kasama ang iba pang direktor na nagwagi sa film festival mula June 24 hanggang 30, 2019.

Nagsagawa rin si Mendoza ng masterclass ukol sa kanyang mga pelikula sa naturang film festival.

Read more...