Bulkang Mayon nakapagtala ng volcanic quakes at rockfalls – Phivolcs

Hindi bababa sa 16 na volcanic quakes at anim na rockfalls ang naitala ng Phivolcs sa Bulkang Mayon.

Sa bulletin ng Phivolcs, araw ng Martes (July 2), lumabas sa seismic monitoring network ng bulkan na naganap ang mga quake at rockfall event sa nakalipas na 24 oras.

Ayon kay Phivolcs resident volcanologist Eduardo Laguerta, dalawang volcanic scenario ang posibleng mangyari dulot ng abnormal na aktibidad ng bulkan.

Posible aniyang magkaroon ng magma build up at gas o liquified pressure na magreresulta sa rock movement sa ilalim ng bulkan.

Dahil dito, masusi aniyang binabantayan ang aktibidad ng bulkan.

Tiniyak naman ni Laguerta na walang dapat ipangamba rito.

Read more...