Zambales at Quezon, makararanas ng pag-ulan ngayong araw

Patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Zambales at Quezon ngayong araw ng Martes.

Sa rainfall advisory ng PAGASA, nakakaapekto pa rin ang southwest monsoon o hanging habagat sa nararanasang sama ng panahon.

Iiral ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Zambales at Quezon.

Nagbabala ang weather bureau sa publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Office na i-monitor ang kondisyon ng panahon.

Read more...