Pulisya may dalawang person of interest na sa pamamaslang sa isang ginang sa Cardona, Rizal

Police banner
May dalawang person of interest ang pulisya na maaaring may kinalaman sa pagkamatay ng isang misis sa Cardona, Rizal.

Ang bangkay ng 35-anyos na si Lorilyn delos Santos ay natagpuan sa loob ng kuwarto ng kanyang bahay sa Purok 1, Brgy Patunhay dakong alas-4:40 Lunes ng madaling araw.

Tadtad ng saksak sa katawan ang biktima at hinihinalang pinagsamantalahan ito dahil natagpuan itong walang saplot pang-ibaba.

Ayon kay Cardona Police chief Police Captain Juner Mojares, tanging ang cellphone ng biktima ang nawawala at isang kitchen knife na may bahid ng dugo ang nakita sa tabi ng bangkay.

Malaki ang hinala ng pulisya na kakilala ng biktima ang mga suspek.

Read more...