Tinukoy ng HRW ang batang si Myka Ulpina na nasawi matapos mabaril sa kasagsagan ng police operation sa Rodriguez, Rizal.
Target ng operasyon ang ama ni Myka na si Renato Dolofrina.
Ayon kay HRW Asia Division researcher Carlos H. Conde, si Myka ay naging pinakabagong casulaty sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapatay na ng libu-libong katao sa nakalipas na tatlong taon.
Nakasaad sa pahayag ng HRW na hindi maituturing na reliable ang pahayag ng pulisya na ginamit ni Dolorfina bilang human shield ang kaniyang anak sa kasagsagan ng operasyon.
Ito ay dahil marami na umanong pagkakataon nagtatanim ng ebidensya gaya ng armas at ilegal na droga ang mga pulis para mapangatwiranan ang pagpatay.