2 rebelde patay sa engkwentro sa CamSur

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng communist group sa engkwentro na naganap sa Lupi, Camarines Sur.

Ayon kay Major Ricky Aguilar, tagapagsalita ng 9th Infantry Division ng Philippine Army ang mga nasawi ay sina Roni “Jake” Boncolmo, 45, at commanding officer ng Komite Seksyon sa Platun1 Larangan 2, Komiteng Probinsya 1 ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) at isang alyas Oris.

Ligtas naman lahat ang mga sundalong napasabak sa engkwentro na tumagal ng 30-minuto.

Naganap ang engkwentro makaraang tumugon sa sumbong ng mga residente ang pinagsanib na pwersa ng 9th Infantry Division (9ID) ng Philippine Army at Camarines Sur Police Provincial Office na may mga armadong lalaki sa Barangay San Vicente.

Nakuha mula sa mga nasawi ang anim na 5.56-mm M16 rifles, isang improvised anti-personnel improvised explosive device (IED), war material at mga dokumento.

Read more...