P8M halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa isang drug suspect sa Cebu City

Mahigit P8 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City.

Ayon kay Drug Enfrcement Group chief Police Lt. Col. Glenn Mayam, nakuha ang aabot sa 48 sachet ng hinihinalang shabu mula sa suspek na si alyas Landoy.

Ang mga droga ay itinago sa pouch ng tsaa.

Umamin naman ang suspek at sinabing ito ang unang pagkakataon na nasangkot sya sa transaksyon.

Isang alyas Mark aniya ang tumawag sa kaniya at sinabing may idedeliver sa kaniya na pouch na naglalaman ng shabu.

Ayon sa Consolacion Police, nalaman nilang sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga ang suspek mula rin sa isang drug suspect na nauna nilang naaresto.

Read more...