Mahigit 17 barangay sa 3 bayan sa Pampanga, lubog sa baha

FILE PHOTO
Nananatiling lubog sa tubig baha ang 17 mga barangay sa 3 mga bayan sa lalawigan ng Pampanga.

May mga pagbabaha sa mga barangay sa bayan ng San Simon, Lubao at Macabebe na pawang nakaranas ng magdamag na mahina hanggang sa katamtamang buhos ng ulan.

Sa bayan ng Macabebe, nasa 8 barangay ang nakararanas pa rin ng 2 hanggang 3 talampakang taas ng tubig baha dahil sa high tide na pinatindi ng pag-ulan.

Sinuspinde na ang klase mula pre-school hanggang senior high school sa buong lalawigan ng Pampanga.

Read more...