Mahigit kalahating milyong pisong halaga ng shabu nakumpiska sa 5 drug suspects sa QC

Arestado ang limang katao sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Bahay Toro sa Quezon City.

Tatlong lalaki at dalawang babaeng suspek ang nadakip sa bahagi ng Seminary Road.

Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit P500,000 halaga ng ilegal na droga.

Nakuha din sa kanila ang cellphone, pouch, at cash.

Mahaharap ang lima sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...