Nasawing pulis sa buy-bust sa Rizal ginawaran ng Medalya ng Kadakilaan

Binisita ni PNP chief, General Oscar Albayalde ang ang burol ng pulis sa Rodriguez, Rizal na nasawi sa kasagsagan ng buy-bust operation.

Ginawaran ni Albayalde ng Medalya ng Kadakilaan si Police Chief Master Sergeant Conrado Cabigao Jr. na umaktong poseur buyer sa buy-bust noong Sabado sa Metro Manila Hills sa Barangay San Jose sa nasabing bayan.

Pero nanlaban ang dalawang drug suspek at tinamaan ng bala ng baril sa leeg si Cabigao.

Ayon kay Albayalde mas pinili ni Cabigao na nasawi nang may honor at dignidad at tiniyak na matatapos ang kaniyang tungkulin at misyon laban sa mga target na drug suspect.

Pinagkalooban din ng PNP ng financial financial assistance ang pamilya ni Cabigao mula sa Office of the President, PNP at sa Public Safety Mutual Benefit Fund Inc.

Naiwan ni Cabigao ang kaniyang misis na si Mae, at dalawang anak na edad 12 at 7 taon.

Read more...