M4.1 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-11:43 ng gabi ng Lunes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 28 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na 169 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Bagaman may kalakasan hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...