Arbitral ruling maaaring hindi na idiga ni Duterte sa China

Wala nang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na idiga pa ang naging desisyon ng permanent court arbitration na nagsasabing invalid ang nine dash line claim ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay kung makukuha na ng Pilipinas ang gusto sa usapin sa West Philippine Sea.

Sa ilalim aniya ng desisyon ng naturang international court, may nakasaad na partikular na ruling na pag-aari ng Pilipinas ang ilang bahagi ng West Philippine Sea at hindi maaaring pumasok ang China.

Iginiit pa ni Panelo na kung nakuha na sa usapan at pumayag na ang China, wala nang nakikitang dahilan para i-invoke pa ng Pangulo ang ruling.

“Kailan i-invoke iyan?” Sabi ko, ‘siguro at the end of his term.’ But you know, there’s nothing to invoke kung nakuha na natin iyong gusto natin. Kasi under the arbitral ruling, mayroon siyang specific ruling na ito ang atin, hindi sila puwedeng pumasok. Eh kung pumayag na sila, nakuha na sa usapan, oh ano pa ang i-invoke? ‘Di wala na,” ani Panelo.

Gayunman, sinabi ni Panelo na maaari pa namang mabago ang desisyon ng Pangulo at igiit ng arbitral ruling bago matapos ang kanyang termino sa 2022.

 

Read more...