Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi kasi katanggap tanggap sa Pilipinas ang katwiran ng Chinese crew na natakot silang kuyugin kung kaya inabandona ang mga mangingisda sa gitna ng karagatan.
Ayon kay Panelo, dapat parusahan at managot ang Chinese crew dahil sa iresponsableng pag-uugali.
Nasa kamay na aniya ng pamahalaan ng China ang pagdisiplina sa Chinese crew kung mapapatunayang sinadya ang pagbangga sa bangka ng mga Pinoy.
“Hindi. Hindi pupuwede iyon. Siyempre—but I trust the assurance by the Ambassador of China when he said na they will not allow that. Kung merong irresponsible behavior, they will impose sanction; trabaho talaga nila iyon. Kasi kung ang may kasalanan iyong Chinese vessel, eh nasa jurisdiction nila iyon, ng gobyerno nila,” ani Panelo.