Mayor Vico Sotto sinuspinde ang ‘odd even scheme’ sa Pasig City

FB photo

Sinuspinde ni Pasig Mayor Vico Sotto ang odd-even traffic scheme sa syudad epektibo araw ng Lunes July 1.

Sa kanyang unang memorandum circular, sinabi ni Sotto na suspendido ang naturang traffic scheme sa gitna ng gagawing review sa sitwasyon ng trapiko sa lungsod ng Pasig City Traffic Management Task Force.

Ayon sa alkalde, isang “disjointed and unjust” ang odd-even number coding scheme para sa mga motorista.

Noong kampanya ay ipinangako ni Sotto ang pagtanggal sa patakaran sa unang araw nito sa kanyang tanggapan.

Sinabi pa ni Sotto na sa loob ng 45 na araw ay gagawa ng binuong task force ng traffic management para sa lungsod.

Sa ilalim ng odd-even scheme, bawal bumiyahe ang mga sasakyan na even number ang huling numero o digit ng plaka sa mga lugar sa Pasig City gaya ng Elisco Road, R. Jabson, Street, San Guillermo Street, Sandoval Avenue at F. Legaspi Bridge sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Habang ang mga sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa odd number ay bawal sa nasabing mga lugar sa Martes, Huwebes at Sabado.

 

Read more...