Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga sakit na kadalasang nakukuha tuwing panahon ng tag-ulan at baha.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, karaniwang nakukuhang sakit tuwing umuulan leptospirosis at dengue.
Malaki aniya ang posibilidad na tumaas ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis at dengue lalo na kapag hindi naghugas ng kanilang mga paa ang mga lumulusong sa tubig-baha.
Maigi aniyang makipag-ugnayan ang publiko sa mga local health center.
Dapat din aniyang tiyakin ng mga health center na mabibigyan nang sapat na medikasyon ang mga pasyente.
Dagdag pa ng kalihim, ugaliin ang ‘4S’ strategy ng DOH na search and destroy breeding sites, seek early consultation, secure self-protection measures at support fogging o spraying.