Ayon sa PAGASA, almost stationary ang bagyo na may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Sinabi ng PAGASA na inaasahang hihina at magiging Low Pressure Area na lamang ang bagyo sa susunod na 12 hanggang 24 na oras.
Ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay maghahatid ng light to moderate na kung minsan ay malakas na pag-ulan malaking bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila, at sa Western Visayas.
Hanggang bukas, July 2 ay makararanas ng monsoon rains sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Mindoro Provinces at Palawan.