Alas 11:00 ng umaga ng Lunes, July 1 sinabi ng PAGASA na yellow warning ang umiiral sa sumusunod na mga lugar:
(METRO MANILA)
– Caloocan
– Malabon
– Navotas
– Valenzuela
(ZAMBALES)
– San Narciso
– San Antonio
– San Marcelino
– Castillejos
– Subic
– Olongapo
– Bulacan
– Bataan
Babala ng PAGASA sa mga residente ang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha lalo na sa mga flood-prone area.
Samantala, ligth hanggang moderate na pag-ulan ang nakaaapekto na Pampanga; mga bayan ng Bamban, Capas, at Concepcion sa Tarlac; General Tinio, Gapan, San Isidro, Cabiao, San Antonio sa Nueva Ecija; San Pedro at Binan sa Laguna; General Nakar sa Quezon; Nasugbu, Talisay, at Laurel sa Batangas; at sa Cavite, Rizal at nalalabi pang bahagi ng Metro Manila at Zambales.