Mahigit 300 estudyante nakinabang sa unang bahagi ng libreng sakay ng MRT-3

Sa unang araw ng pagpapatupad ng student free ride program sa MRT-3.

Simula alas 5:00 ng hanggang alas 6:30 ng umaga ng umabot sa 328 na estudyante na kaagad ang nakinabang sa nasabing proyekto.

Ang libreng sakay sa MRT-3 ay maaaring ma-avail ng mga estudyante mula nursery hanggang kolehiyo, mula 5:00AM hanggang 6:30AM, at mula 3:00PM hanggang 4:30PM.

Para makapag-avail ng nasabing proyekto kailangan lamang magpakita ng school ID o registration form sa station personnel o security guard na nasa service gate para ito sa unang bahagi ng pagpapatupad ng student free ride program.

Kasunod nito hinikayat ng MRT3 na makapag-apply online ang mga estudyante. Pumunta lang sa tinyurl.com/y66f8nr4 at sagutan ang application form.

Maaari rin ang manual o personal na aplikasyon. Pumunta lamang sa Malasakit Help Desk na makikita sa mga istasyon ng MRT-3. Magdala ng kopya ng inyong School ID, registration form, at 2×2 ID picture.

Read more...