Manila Mayor Isko Moreno naglabas ng panuntunan sa pag-aanunsyo ng class suspension

Inilahad ni Manila Mayor Isko Moreno ang susundin nitong panuntunan sa pag-aanunsyo ng suspensyon ng klase.

Ayon sa bagong alkalde ng Maynila, alas 8:00 ng gabi ang pinakamaagang pag-anunsyo ng class suspension para kinabukasan.

Alas 4:00 naman ng madaling araw ang pinaka-late na paglalabas ng anunsyo.

Sinabi ni Moreno na iaanunsyo ang suspensyon ng klase sa pamamagitan ng kaniyang verified social media account o sa official account ng Manila Public Information Office.

Kasabay nito nanawagan sa publiko si Moreno na maging mapanuri sa mga nababasa sa social media.

Ito ay matapos kumalat ang pekeng balita na may suspensyon ng klase sa lungsod ngayong araw.

Read more...