Kabilang sa dumalo sina Nadine Lustre, Iza Calzado, Janine Gutierrez, Angelina Mead King, Alma Concepcion, Morisette Amon at Mari Jasmine.
Hindi naging hadlang ang pag-ulan sa pagtitipon sa Marikina Sports Center na may temang #ResistTogether.
Nanawagan ang LGBTQ community para sa gender equality at tigilan na ang diskriminasyon.
Umabot naman sa record breaking na 70,000 katao ang dumalo sa Pride March ngayong taon na mas marami kumpara noong isang taon na umabot lamang sa 25,000.
Bilang pakikiisa inianunsyo ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro ang pagpapatupad ng Anti-Discrimination Ordinance o City Ordinance No. 065.
Ang Pride March ay nagsimula noong 1994 na nagiging daan para sa mga miyembro ng LGBTQ+ community na ipagdiwang ang kanilang kasarian at ipanawagan ang ilang mga isyu sa lipunan.